Coach ng PWNF team, pinangalanan na ang 23 manlalaro para sa AFC Women’s Asian Cup

Coach ng PWNF team, pinangalanan na ang 23 manlalaro para sa AFC Women’s Asian Cup

PINANGALANAN na ng head coach ng Philippine Women’s National Football team ang 23 manlalaro para sa AFC Women’s Asian Cup.

Pumili ng 23 manlalaro ang head coach ng Philippine Women’s National Football team  Alen Stajcic na bubuo sa delegasyon ng bansa sa paparating na AFC Women’s Asian Cup, na nakatakda sa Enero 20 sa India.

Nangunguna sa grupo ang batikang goalkeeper na si Inna Palacios at ang midfielder na si Tahnai Annis, na gumanap ng mahahalagang papel sa AFC Asian Cup qualifiers noong Setyembre 2021.

Makakasama sa duo sina Kiara Fontanilla, Olivia Mcdaniel, Dominique Randle, Tara-Allison Shelton, Hali Long, Kristen Ryley Bugay, Morgan Brown, Isabella Flanigan, Sofia Nicole Harrison, at Katrina Jacqueline Guillo.

Pinatawag din sina Malea Cesar, Kathleen Rodriguez, Jessica Anne Miclat, Anicka Castañeda, Sara Castañeda, Keanne Alamo, Carleigh Frilles, Sarina Bolden, Eva Madarang, Quinley Quezada, at Chandler Mcdaniel.

Naniniwala naman ang Philippine head coach na makakapasok ang nabuong koponan sa prestihiyosong FIFA Women’s World Cup 2023.

Ang torneo ay tatakbo hanggang Pebrero 6 at kasama ng Pilipinas ang powerhouse Australia, Southeast Asian rivals Thailand at Indonesia sa Group B.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *