Coach Yeng Guiao
Sports

Coach Yeng Guiao, panahon na para sa re-evaluation ng basketball sa Pilipinas

MATAPOS bigong manalo sa kahit isang laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA, napapanahon na umano para sa re-evaluation para sa basketball ng Pilipinas ayon kay Coach Yeng Guiao.

“Even with our federation, ‘yung SBP, ang unang sinasabi kong dapat nating abutin muna, siguro kailangan nating pag-isipan muna paano natin makukuha ‘yung Asia bago natin pag-isipan ‘yung mundo,” ayon kay Coach Yeng Guiao

Ayon pa kay Guiao, dapat munang maging una tayo sa Asya bago tayo maghangad na matalo ang iba pang bansa sa mundo.

Ginawa rin niyang halimbawa ang Iran at China na kung saan, dalawa sa mga malalakas na koponan sa Asya.

Samantala qualified naman ang Gilas para maging host sa 2023 World Cup.

Ayon kay Guiao, ang susunod nilang hakbang ay maging isang magaling na koponana sa Asya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *