naitala
Sports

Clippers, naitala ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa NBA Lakers

SUNOD-sunod ang nagiging pagkapanalo ng Los Angeles Clippers sa nagpapatuloy NBA Regular Season.

Ito ay pagkaraang maitala ng koponan ang kanlang ikatlong sunod na panalo ngayong araw.

Pinatumba ng Clippers ang defending champion Toronto Raptors sa score na 112-92.

Nakakuha naman ng malakas na palakpakan ang former Raptors player na si Kawhi Leonard sa muli nitong pagtapak sa hard court ng Toronto.

Tumulong din si Kawhi sa pagkapanalo ng kaniyang bagong koponan na Clippers matapos makapagpuntos ng 23 points.

Nagdagdag din sina Lou Williams ng 18 points, Maurice Harkless ng 14 points at Paul George ng 13 points.

NANGUNA naman para sa panalo ng Los Angeles Lakers ang star player na si Lebron James.

Nakapagpuntos si James ng 25 points, 10 assists at 11 rebounds habang tinapos ng Lakers ang laban nito kontra Orlando Magic sa score na 96-87.

Tumulong din para sa panalo ng Lakers sina Anthony Davis na may 16 points at 12 rebounds at Kentavious Caldwell-Pope na nagdagdag ng 15 points.

Sa ngayon ay nangunguna pa din ang Lakers sa Western Conference na may 22 win – 3 loss standing.

 

SMNI NEWS 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *