Clinical trials sa COVID-19 vaccine mula Russia, sisimulan na ng DOH

Clinical trials sa COVID-19 vaccine mula Russia, sisimulan na ng DOH

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na naisumite na ng Russia ang mga detalye ng Phase 1 at  2 ng clinical trials ng bakuna para sa COVID-19 at ito ang gagamitin ng vaccine experts panel ng Pilipinas sa kanilang gagawing review.

Kaugnay nito ay sinabi rin ng DOH na plantsado na rin ang kanilang kasunduan sa Russian government kaugnay ng natuklasan nilang anti-COVID vaccine na tinawag na Sputnik 5.

Magugunitang sinabi ng Russia na agad na sisimulan ang clinical trials ng kanilang bakuna sa Pilipinas at sa United Arab Emirates.

Matapos ang serye ng mga clinical trials ay target naman ng Russia na masimulan ang mass production ng nasabing bakuna sa huling bahagi ng taong ito.

Kasabay nito ay kinumpirma rin ng DOH na isinasapinal na nila ang mga pakikipag-negosasyon sa 16 na manufacturers ng iba pang bakuna para sa gagawing vaccine trials sa Pilipinas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *