matinding pagbaha
International

Climate change, itinuturong dahilan ng matinding pagbaha sa Venice

SA bansang Italy, itinuturong dahilan ng Venice Mayor ang climate change sa naganap na matinding pagbaha sa syudad na tinatayang pinakamatindi matapos ang 50 taon.

Nagdeklara naman ng state of emergency ang alkalde at nanawagan ng tulong sa gobyerno kung saan tinatayang nasa daan-daang milyong Euros ang halaga ng mga nasirang ari-arian dulot ng pagbaha at ikinasawi naman ng 2 katao.

Maliban sa climate change ay nakikitang dahilan rin ng ilang residente ang korapsyon kung saan binatikos ng mga ito ang labis na pagkaantala ng Barrier Protection System na nakatulong sana upang maiwasan ang kalamidad.

Binatikos rin ng mga apektadong shopkeepers ang kabiguan ng pamahalaan na maportektahan ang tinaguriang Unesco City mula sa high tide na dulot ng matinding pagbaha.

 

Ceasefire sa pagitan ng Israel at Palestine ipinatupad matapos ang dalawang araw na sagupaan

SA Palestinian territory ng Gaza, sa tulong ng Egypt ay tuluyan napagkasunduan ang ceasefire sa Gaza strip ngayong huwebes matapos ang dalawang araw na sagupaan sa pagitan ng Palestine at Israel.

Hindi bababa sa 32 katao ang nasawi sa insidente habang 80 iba pa ang naitalang sugatan simula ng maganap ang pag-atake nung martes.

Naganap ang kaguluhan  matapos magsagawa ng nasa 50 air raids at 21 artillery attacks ang Israel kung saan target nito ang teroristang grupo na Islamic Jihad sa Palestine na ikinamatay naman ng Jihad leader at ng asawa nito.

Gumanti naman ang militanteng grupo kung saan nagpasabog ito ng nasa 250 rockets sa Israeli territory bago napapayag ng Egypt ang dalawang kampo na magkasundo ng ceasefire.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *