coach
Sports

Cleveland Cavaliers, opisyal nang pinangalanan ang kanilang bagong coach

ITINALAGA ng koponan ng Cleveland Cavaliers ang veteran collegiate coach na si John Beilein bilang kanilang bagong head coach.

Pinalitan ni Beilein si Larry Drew na kumuha din ng posisyon ni Tyronn Lue matapos pumalpak sa unang anim na laro ng Cavs ngayong NBA season.

Nakapagpanalo naman na si Beilein ng tatlumput-limang season sa huling apatnapu’t-isang taon nitong pagko-coach sa mga unibersidad.

Nakapag-train na din si Beilein ng siyam na NBA choices sa huling 12 season nito sa University of Michigan.

Malaki naman ang kumpiyansa ni Beilein na magiging matagumpay sila bilang isang grupo kung paiiralin lamang ng lahat ang kanilang dedikasyon at pupursige sa bawat laro ng kanilang gagawin.

Dagdag pa ni Beilein na isang perpekto at maayos na samahan ang kaniyang mabubuo sa Cleveland Cavaliers.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *