VIP treatment
National

Clearance sa lahat ng foreign vessels na papasok sa Pilipinas, iniutos na hingin

MULA sa araw na ito kinakailangan nang magbigay ng abiso at kumuha ng clearance ang lahat ng foreign vessels bago ito papasok sa territotirial waters ng bansa.

Ito ay ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

“We would like to inform the public as well as the world that the president is putting on notice that henceforth beginning today all foreign vessels that will be passing through territorial waters will get clearance from proper government authority,” pag-anunsyo ni Panelo.

Binigyang diin ng tagapagsalita ng Palasyo na seryoso ang pamahalaan na paalisin ang mga banyagang barko na papasok sa teritoryo ng bansa kapag hindi ito sumunod sa utos ni Pangulong Duterte.

Naniniwala si Panelo na handa ang ating mga sundalo para ipatupad ang utos ng kanilang commander in chief sa pagtataboy sa mga foreign ships.

Ginawa ng Pangulong Duterte ang desisyon dahil na rin sa mga insidente ng pagpasok ng mga foreign vessels sa teritoryo ng bansa na wala man lang abiso gaya ng ginagawa ng China.

Magugunitang itinuturing ng Palasyo na trespassing ang pagdaan ng Chinese warships kamakailan sa Sibutu Strait malapit sa Tawi-Tawi.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *