Cleanup drive sa Manila Bay isasagawa ng MMDA ngayong araw

Cleanup drive sa Manila Bay isasagawa ng MMDA ngayong araw

SASABAK ang MMDA sa matinding cleanup drive sa Manila Bay area matapos ang matinding pag-ulan.

Personal na pangangasiwaan ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos ang cleanup operations sa Manila Bay ngayong araw.

Matatandaang, tone-toneladang basura ang napadpad sa nasabing artificial beach dahil sa matindig pag-ulan sa Metro Manila  dahil sa south-west monsoon.

Sa kabila ng sama ng panahon noong nakaraang linggo, hindi mapipigilan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at MMDA ang cleanup drive sa Manila Bay.

Sinabi pa ng DENR na kahit saang beach area pumunta, kapag ito ay dinaanan ng malakas na bagyo ganito ang magiging sitwasyon, anila kung hindi ito inayos ay mas marami pang basura ang nakatambak.

Ang mga basurang napadpad sa Manila bay ay hindi lamang nanggaling sa Metro Manila kundi sa ibat-ibang lalawigan kabilang ang Cavite, Bulacan at Bataan.

Nanawagan naman ang Manila Bay warriors na hindi sapat ang community service na parusa sa sinumang lumalabag dahil paulit-ulit lamang itong gagawin.

Anila, para magtanda ay bigyan ng matinding parusa ang mga iresponsable sa kanilang mga basura.

Napag-alaman, nilaanan ito ng P389 milyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pondo upang malinis ang nasabing look.

Matatandaan na ang rehabilitasyon ng Manila Bay ay isa sa mga remarkable project ni Pangulong Rodrigo Duterte.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *