Cleanfuel branch sa Urdaneta bypass road, bukas na para sa mga motorista

Cleanfuel branch sa Urdaneta bypass road, bukas na para sa mga motorista

BUKAS na sa mga motorista ang pinakabagong branch ng Cleanfuel sa Urdaneta City, Pangasinan.

Malaki ang pasasalamat ng mga motorista at driver ng malalaking truck na may bagong bukas na gasolinahan sa bypass road ng Urdaneta City.

Isa si Julius Paplonot na nagpapasalamat, para sa kanya at sa mga 10 wheeler truck ang dala, tulong ang dulot na may malaking gas station silang mapagka-kargahan.

“Eh mas maano kasi dito mas maluwag. Kaya mas magandang dito kami magdi-diesel kasi hindi nahihirapan yung mga ganitong truck,”ayon kay Julius.

 

Ang Cleanfuel ang pinaka-unang gas station na nagbukas sa kahabaan ng bypass road na malaking tulong sa mga motorista.

“Talagang accessible talaga. Then hindi ito mahirap na ano dahil pag gumilid ka dito hindi masyadong marami ang kuwan, maraming-maraming sasakyan,”ayon sa isang Motorista.

Hatid ng Cleanfuel ang Quality fuel for less dahil mas mababa ang presyo nito sa ibang gas stations.

Hatid din nito ang malinis at maayos na amenities gaya ng kanilang C.R.

“Everytime na gumagawa tayo ng istasyon we try to introduce improvements. Natutuwa ako dahil may mga nagko-comment dito na parang sobrang luwag raw ng istasyon at syempre consistent with what we want to do. Maganda na naman ang CR, malamig, malinis and of course we sell quality fuel for less dito sa cleanfuel,’’ayon kay Atty. Bong Suntay President, Cleanfuel.

Bukod sa magandang serbisyo, may point system rin ito gamit ang kanilang VIP card.

Libre itong makukuha ng mga motorista para mag-ipon ng points at maka-redeem ng merchs o mga gamit.

“We have paskong panalo ng Cleanfuel na inaanyayahan namin yung mga taga Urdaneta to gas up at Cleanfuel at a worth of 500 peso they will have an entry to won a year fuel subsidy mula sa Cleanfuel. So 5 winners po yun and other prizes: katulad ng air purifier, helmet, mountain bike,”ayon kay Kris Lim Marketing Head.

“So yung mga motorista natin na dumadaan dito sa Urdaneta bypass road talagang ito very convenient. Just off yung Urdaneta exit ng TPLEX. So daan lang kayo dito if you need to gas up, not only gas up but of course relieve yourself using a comfort room. We have very very nice, big and clean toilets here in Cleanfuel and of course yung aming quality fuel for less,”saad ni Atty. Suntay.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *