Cleanfuel at Smart Telecom, nagsama para sa mas mura na wifi devices

Cleanfuel at Smart Telecom, nagsama para sa mas mura na wifi devices

NAGSANIB pwersa ngayong Biyernes ang Cleanfuel at ang Smart Telecom para isang magandang layunin.

Isang kasunduan ang nabuo sa pagitan ng dalawang kumpanya para makapaghatid ng mura at portable na internet connectivity sa ating mga kababayan.

Dahil diyan, mas murang mabibili ng mga motorista ang pocket wifi at ang PLDT Home wi-fi device ng Smart sa bawat paggas mo sa Cleanfuel.

“Yeah we partnered with Cleanfuel to provide our wi-fi devices. So right now the mechanics are simple. All you have to do is to drive at any Cleanfuel station and load at least 500 pesos worth of fuel. They have LPG, diesel, whatever you need and you could get a Smartbro wifi device at 50% off,” pahayag ni John Palanca, VP and regional head ng Smart Telecom.

Kung walang promo, P999 ang presyo ng smart pocket wi-fi habang P1, 999 ang presyo ng home wi-fi.

Pero dahil sa partnership ng Cleanfuel at Smart, mabibili mo ito at 50% discount.

“So dito makikita natin na there is a synergy in connectivity and mobility and we are very happy that Smart Telecom has recognized Cleanfuel in our role in being one of the foremost fuel retail stations in the country and we hope that this is just the start of our partnership,” ayon kay Atty. Bong Suntay ng Cleanfuel.

Tatagal ang promo hanggang December 31, 2021 at available sa lahat ng Cleanfuel branch.

“So I’d like to invite all our customers diyan. Yung ating cleanfuel costumers alam ko naman marami dito. Marami sa aming customers ang gumagamit ng wifi at kailangan not only for daily activities but also yung mga businesses nila so come over at Cleanfuel and avail yourself yung smart PLDT, home pocket wifi at half the price,” ani Suntay.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *