clean and green election
National

Clean and green election, ipinanawagan ng mga Civil Society Organizations

Nanawagan ng “clean and green election” ang mga Civil Society Organizations sa mga tatakbong kandidato na iwasan ang dirty tactics sa halip ay suportahan ang mga reporma tungkol sa kapaligiran.

Ayon kay Green Thumb Coalition (GTC) Head of the Electoral Campaign Paeng Lopez na ang uri ng pangangampanya ng isang kandidato ay sumasalamin kung gaano ito kaseryoso sa pagsusulong ng mga polisiyang pangkapaligiran.

Dito aniya masusukat kung kayang tuparin ng mga kandidato ang kanilang responsibilidad bilang mabuting tagapangasiwa.

Kabilang rito ang paggamit ng mga campaign materials tulad ng tarpaulins at posters na kalauna’y nagiging kalat lamang.

Nararapat rin umanong suriin ng mga botante ang history ng isang kandidato kung sinusunod ba nito ang kanyang mga pangako o hindi.

Maliban sa maayos na pangangampanya, mahalaga rin ang pagkakaroon ng malinis na track record na malaya sa unethical strategies tulad ng political harassment, violence at bribery.

Hinihikayat din ng GTC ang mga kabataang botante na gamitin sa tama ang mga impormasyon na makukuha sa social media upang mas makilalang mabuti ang mga kandidatong nais ihalal.

Ulat ni Micah Labrague

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *