UN Human Rights Council
National

CJ Bersamin, bukas sa gagawing imbestigasyon ng UN Human Rights Council

HINDI umano tutol si Chief Justice Lucas Bersamin sa planong imbestigahan ng United Nations o UN Human Rights Council ang umano’y “unlawful killings” sa Administrasyon Duterte.

Ginawa ni Bersamin ang pahayag sa kaniyang talumpati sa ika-121 taong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Bonifacio Monument sa Caloocan City.

Sinabi ni Bersamin na hindi niya alam ang tinutukoy ng human rights group.

Una nang hiniling ng UN Human Rights Council na magsagawa ng isang imbestigasyon sa nagaganap na patayan sa gitna ng kampanya ng pamahalaan sa iligal na droga.

Kaugnay nito, sinabi ni Bersamin na mistulang walang kabusugan ang human rights group sa mga pagpuna nito kaugnay sa kalagayan ng bansa sa iba’t-ibang administrasyon o pamumuno.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *