Civil Service Commission, nagsasagawa ng online job fair ngayong Setyembre

Civil Service Commission, nagsasagawa ng online job fair ngayong Setyembre

NAGSASAGAWA ng online job fair ang Civil Service Commission (CSC) na nagsimula ngayong araw Setyembre 20 hanggang Setyembre 24.

Ipinaalam ni CSC Commissioner Aileen Lizada na aabot sa 127 government online career fair na mga government agencies ang sumali sa nasabing online job fair upang magbukas ng trabaho sa mga Pinoy na walang trabaho ngayong pandemya.

Ayon kay Comm. Lizada, aabot sa 2,660 na mga trabaho ang bakante para sa mga kababayan, kabilang din sa sumali ang mga state universities at mga local governments units.

Narito naman ang top position na hinahanap:

400 Customer Associate

693 Revenue Officer

236 Medical Officer

160 Jail Officer 1

119 Administrative Assistant

94 Attorney

693 Guidance Counselors

76 Administrative Officer

52 Medical Specialist

50 Account Assistant

50 IT Specialist

Ayon kay Comm. Lizada, magkakaroon ng qualifications upang makasali sa nasabing career fair na ito, aniya magdedepende ito sa posisyon kung saan ang general rule ay kailangan ang education, training, experience at eligibility.

Dagdag nito, bukas ang nasabing job fair sa lahat ng regional offices at sa mga nakapag-register na mula sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.

Tiniyak naman ni Lizada na mabibigyan ng equal opportunity ang mga interasadong mag-apply hindi alintana ang kasarian o mga differently able person.

Isa aniya sa mga requirements ay ang personal data sheet (PDS) habang kinakailangan naman ang pagkakaroon ng JobStreet account o di kaya’y bisitahin ang onlinejobfair.street.com.ph upang makapag-register at makagawa ng PDS.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *