lumikha
Regional

City Government ng General Santos, lumikha ng disaster management team

LUMIKHA ng isang special team na tututok sa disaster management preparedness plans ang lokal na pamahalaan ng General Santos.

Batay sa inilabas na direktiba ni City Mayor Ronnel Rivera kailangan magkaroon ng Local government-wide disaster management team sa bawat departamento at kanilang tanggapan.

Bubuo naman sa bawat team ang mga key officials tulad ng Incident Commander, Safety Officer, Public Information Officer at Marshals.

Samantala, nitong martes lang na muling nagpatawag ng meeting si Mayor Rivera para ipaalala sa mga department head at officials na laging maging alerto at paigtingin pa ang kanilang kahandaan sa anumang hindi inaasahang sakuna.

Nangako naman si Mayor Rivera na bibili sila ng karagdagang mga disaster response equipment gaya ng bump hats, go bags, handheld radios at iba’t-ibang emergency gears.

Matatandaang isa ang lugar ng GenSan na nakaramdam ng pagyanig at naitala ang intensity 5 matapos tumama ang magkasunod na malalakas na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao noong nakaraang linggo.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *