National

Cimatu kabilang sa listahan ng susunod na magiging kalihim ng DENR

Umugong ang balitang kasama sa listahan ng mga pinagpipiliang susunod na magiging kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff at ngayo’y special envoy for OFWs to the Middle East Roy Cimatu.
Lumabas ang nasabing balita matapos ma-reject si outgoing Secretary Gina Lopez sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).
Tumanggi pang magkomento ang heneral na ngayon ay nakatutok sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa Middle East.
Bukod sa DENR, napupusuan din umano ng Malacañang si Cimatu bilang kalihim din ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *