National

CHR, suportado ang pagpasa sa panukalang SOGIE Bill

NAGPAHAYAG ng suporta ang Commision on Human Rights o CHR sa pagpasa ng panukalang batas na Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression o SOGIE Bill.

Sa panayam ng SMNI News kay Centers for Gender Equality and Women’s Human Rights Division Chief Atty. Krissi Rubin, matagal na aniyang sinusuportahan ng CHR ang ganitong panukala na nagbabawal ng diskriminasyon base sa kasarian at gender orientation ng isang indibidwal.

Aniya, panahon na upang wakasan ang lahat ng uri ng diskriminasyon at bigyang ng pantay na karapatan ang lahat ng tao.

Samantala, nagpahayag din si Rubin sa nag-viral na social media post ni Ricky Reyes sa opinyon nito hinggil sa SOGIE Bill.

Aniya, nagpapakita lang ang kumento ni Reyes ng kakulangan sa pag-iintindi ng Sexual Orientation, Gender Identity and Expression.

“Hindi lahat ng LGBT community ay naiintindihan kung ano ito. So kailangan din nating aralin ito at ipaalam na ito ay bahagi ng lahat ng karapatang pantao at dapat itong igalang,” pahayag ni Atty. Rubin.

“Sana ay makikita, maintindihan ng lahat, lalo na ngayon na mainit ang diskusyon na hindi humihingi ng espesyal na pagtrato ang lgbtq community,” dagdag niya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *