CHR
National

CHR, iimbistigahan ang kung bakit nadamay ang 3 taong gulang ng bata sa drug operation

MATAPOS madamay at mapaslang ang 3-year-old na bata sa isang drug operation ng mga kapulisan sa Rodriguez, Rizal, paiimbistigahan na ni Commision on Human Rights o CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia ang nasabing pangyayari.

Una nang sinabi ng ina nito na hindi totoo na ginawang human shield ng ama nitong sangkot sa droga ang kanyang anak. Sinabi ng ginang na hindi lang talaga naging mabilis ang ama sa pag-turn over sa bata sa kanyang ina kaya nadamay at napatay ito sa nasabing engkwentro ng mga pulis at mga drug pusher.

Sinabi ng spokesperson ng CHR na bagama’t, sinusuportahan nila ang pamahalaan sa drug campaign nito, hindi naman din nangangahulugan na dapat maraming mamatay na suspek kundi maraming buhay ang magbago.

“While supporting the government’s bid to end the drug scourge. The success of the government’s campaign to end illegal drugs should not merit on the number of drug suspects killed, but rather to the multitude of lives changed,” pahayag ni De Guia.

Matatandaang, napatay rin ng mga pulisya ang dalawang suspek matapos manlaban ang mga ito sa nasabing operasyon.

Samantala, naglabas na ng formal statement si Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde hinggil dito na nasasabing ang pagkamatay ng isa sa kampo ng kapulisan ang magpapatunay na nanlaban ang mga suspek.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *