Sports

Chooks-to-Go Pilipinas, tinambakan ang Thailand sa FIBA Asia Champions Cup, 115-102

Nilampaso ng Chooks-to-Go Pilipinas ang Mono Vampire Thailand, sa iskor na 115-102 sa 2017 FIBA Asia Champions Cup na ginaganap sa Chenzhou, China.
Bumida sa laro si Carl Bryan Cruz na nagtala ng 28 points para pangunahan ang panalo ng Chooks-to-Go.
Dinagdagan pa ito ng import na si Isaiah Austin na naka-27 points, 19 rebounds at apat na blocks.
Si Kiefer Ravena naman ang pinaka-consistent sa koponan na naka-24 points sa laro.
Hawak ngayong ng Chooks-to-Go Pilipinas ang 2-1 record.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *