Chinese President
International

Chinese President Xi Jinping, dumating na sa North Korea

DUMATING na sa North Korea si Chinese President Xi Jinping para sa kanyang state visit.

Ayon sa Chinese state media, dumating sa Pyongyang si Xi kasama ang kanyang asawa at ilang key aides kabilang sina Foreign Minister Wang Yi, top diplomat Yang Jiechi at key economic adviser He Lifeng.

Mananatili ang Chinese president ng dalawang araw sa North Korean capital at makikipagpulong kay leader Kim Jong Un na layong mapalakas ang strategic ties ng dalawang bansa.

Ang summit ay kasunod na rin ng magkahiwalay na dispute nina Xi at Kim sa United State; si Xi ukol sa trade habang si Kim ay sa kanyang nuclear weapons.

Si Xi ang kauna-unahang Chinese leader na bumisita sa North Korea sa loob ng labing apat na taon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *