Beijing
National

Repormang pang-ekonomiya ng Beijing walang maaaring magdikta

Iginiit ni Chinese President Xi Jinping na walang maaaring magdikta sa Beijing kung ano ang nararapat nilang gawin sa repormang pang-ekonomiya na kanilang itutulak.

Ginawa ni Xi ang pahayag kasunod ng trade war sa pagitan nila ng Estados Unidos, maliban pa sa ilang hindi pagkakaunawaan sa aspeto ng diplomasya.

Ayon kay Xi, bagama’t isusulong nila ang mga economic reforms na sinimulan ni Leader Deng Xiaoping noong 1978, nagpahiwatig ito na walang ipapatupad na pagbabago sa one-party system.

Gayunpaman, walang natukoy si Xi na partikular na mga hakbang kung paano nila ito isasakatuparan.

Repormang pang-ekonomiya ng Beijing walang maaring magdikta- Press Xi

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *