Chinese doctor
International

Chinese doctor na unang nakatuklas ng coronavirus, pumanaw na

PUMANAW na ang Chinese doctor na unang nagsiwalat sa publiko kaugnay sa bagong “SARS-like” disease na tinawag ngayon na coronavirus.

Kinumpirma ng World Health Organization ang pagkamatay ng Chinese doctor na si Dr. Li Wenliang matapos dapuan ng coronavirus.

Enero 12 nang dalhin sa pagamutan ang doktor matapos na mahawaan ng kaniyang pasyente na nakumpirmang mayroong coronavirus.

Noond Disyembre 2019 ay nagbabala si Li sa nasabing pagkalat ng bagong virus na ikinagalit ng mga local health authority.

Ipinatawag pa ang Chinese doctor ng mga kapulisan dahil inakusahan ito na nagpapakalat ng tsismis na nagdudulot ng takot sa publiko.

Bilang ng mga nasawi sa 2019 novel coronavirus, pumalo na sa 565

Umakyat na sa 565 ang mga nasawi dahil sa 2019 novel coronavirus.

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa mainlad China partikular sa Wuhan City na sentro ng sakit.

Mula sa nasabing bilang, dalawa rito ang nasawi sa labas ng China na naitala sa Pilipinas at Hong Kong.

Pumalo naman sa higit 28, 000 ang bilang ng mga nagpositibo sa 2019 NCoV mula sa higit 20 bansa.

Ayon naman sa World Health Organization (WHO), mayroon nang 1, 100 ang gumaling matapos ma-detect na may NCoV.

Samantala, inihayag naman ng Health ministry ng Japan na nadagdagan pa ng 10 katao ang kumpirmado sa coronavirus sa cruise ship na naka-quarantine ngayon sa Yokohama.

Dahil dito, umabot na sa 45 ang bilang ng kaso ng NCoV sa kanilang bansa.

Sa ngayon, patuloy na inoobserbahan ang mga biktima kabilang na ang isang Pinoy na sakay ng cruise ship.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *