Chinese at Koreans
National

Chinese at Koreans, pinakamaraming turista na bumisita sa Boracay

MGA Chinese at Koreans ang pinakamaraming turista na bumisita sa Isla ng Boracay sa unang limang buwan ng taong 2019.

Batay sa datos na inilabas ng Malay Municipal Tourism Office, 79% ito ng kabuuang international tourist arrivals.

Lumalabas sa report na simula Enero hanggang Mayo, pinakamalaking contributor ng outbound visitors ang mga Chinese tourist na may 218,161.

Pangalawa ang Koreans na may 160,973, pangatlo ang mga Amerikano na may 12,424 arrivals habang pang-apat ang Taiwanese na may 10,953 at Russians na may 6,614.

Tumaas ng 12% o kabuuang 480,856 ang naitalang foreign tourist arrivals sa Boracay kumpara sa 430,785 sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Bumaba naman ng 10% ang bilang ng mga Pinoy na bumisita sa isla simula noong Enero hanggang Mayo 2019 na umabot lamang sa 443,182 kumpara sa 493,159 noong 2018.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *