rumesbak
International

China, rumesbak sa Amerika matapos nitong ipasa ang Hong Kong Human Rights Bill

GINANTIHAN ng China ang naging aksyon ng Amerika matapos pirmahan ni US Pres Donald Trump ang Hong Kong Human Rights and Democracy Act noong miyerkules, ika 27 ng Nobyembre, na may layuning protektahan ang human rights sa Hong Kong.

Sinuspende ng Chinese Foreign Ministry ang pagbisita ng US Navy Ships sa Hong Kong kung saan kinakailangan muna ang permiso ng Beijing bago ito makapasok sa naturang rehiyon.

Nangako rin ang China na papatawan ng sanctions ang apat na US-based non-governmental organizations tulad ng human rights watch at freedom house dahil sa umano’y pagsuporta nito sa bayolenteng demonstrasyon sa Hong Kong.

Nakasaad sa Hong Kong human rights bill na maaaring patawan ng US ng diplomatic at economic sanctions ang Hong Kong kapag hindi nito napanatili ang autonomy mula sa China sa ilalim ng “one country, two systems” principle.

Maliban dito ay pinirmahan din ni Trump ang protect Hong Kong Act na layuning ipagbawal ang pag-eexport ng ilang US-made na mga armas sa rehiyon tulad ng tear gas at rubber bullets na maaring gamitin ng Hong Kong police laban sa Hong Kong protesters.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *