nag-aagawan
International

China at Amerika, nag-aagawan na makabenta ng armas sa Thailand

KASALUKUYANG naglalaban ang Amerika at China na maging pangunahing supplier ng armas sa bansang Thailand.

Bagama’t magkaalyado ang Amerika at Thailand simula pa noong Vietnam War ay mahalaga naman ang huli sa belt and road initiative ng China na layunin nitong ipalaganap sa buong Asya.

Nauna nang sinabi ng Thailand noong Agosto na balak nitong bumili ng karagdagang 50 armoured vehicles galing U.S. Matapos matanggap ang naunang 70 combat vehicles galing Amerika.

Balak naman ng Thai army na bumili ng helicopters na nagkakahalaga ng US$138 million kung saan inaasahang makakapag-alok ang China ng mas mababang halaga.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na desisyon ang Thailand hinggil sa kung sino ang posibleng piliin nito sa pagitan ng dalawang bansa.

 

SMNI NEWS 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *