Chicago Bulls
Sports

Chicago Bulls, tinapos ang kanilang 10-game losing streak loss

Tinuldukan na ng koponan ng Chicago Bulls ang tila sumpang sampung sunod na pagkatalo sa NBA.

Pinangunahan ni Zach Lavine ang pagpapatumba sa reigning champion na Cleveland Cavaliers nitong Martes na nagtapos sa victory score na 104-88 pabor sa Bulls.

Sa kabuuan ay nakapagpuntos ng 25 points ang basketbolista habang umambag din si Kris Dunn ng 13 points para sa panalo ng Bulls.

Matatandaan na ito na ang ikatlong pagkakataon na hindi pinaporma ng Bulls ang Cavaliers ngayong season buhat ng talunin nila ito noong November 10 at December 23.

Milwaukee Bucks, pinataob ang Dallas Mavericks

Samantala, sa pagtutulungan naman ng star player na si Giannis Antetokounmpo at ng rising star na si Brook Lopez ay naipanalo muli ng Milwaukee Bucks ang kanilang laro ngayong araw kontra sa Dallas Mavericks.

Nagtapos na may 31 points and 15 rebounds si Antetokounmpo habang nakapag-iskor naman si Lopez ng five blocks and 10 rebounds para sa 116-106 victory score ng Bucks.

Sa kabuuan ay nakapagtala na ng five straight win ang Bucks na may kabuuang 34 win – 12 loss standing sa NBA.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *