Peter Mayhew
International Showbiz

Chewbacca Star Peter Mayhew, pumanaw na

PUMANAW na British-American actor na si Peter Mayhew na tanyag sa kaniyang pagganap bilang si Chewbacca sa sikat na science fiction movie series na Star Wars.

Sa social media, kinumpirma ng Pamilya Mayhew sa publiko na sumakabilang buhay na ang aktor sa kanilang tahanan sa North Texas noong pang Abril 30.

Kasunod nito ay agad na bumuhos ang pakikiramay mula sa mga taga-suporta at kasamahan sa industriya kabilang na ang aktor na si Mark Hamill na nakilala naman bilang Luke Skywalker.

Magugunitang noong Hulyo nang nakaraang taon ng sumailalim sa spinal surgery si Peter.

Sumikat si Peter sa pagganap nito bilang Giant Wookie Warrior na si Chewbacca lahat ng Star Wars franchise.

SMNINEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *