Chernobyl nuclear site
International

Chernobyl nuclear site, gagawing tourist attraction ng Ukraine

MAHIGIT tatlong dekada simula ng maganap ang isang matinding sakuna sa Chernobyl nuclear site ay balak itong gawing isang tourist attraction ng Ukraine.

Tuluyang pinirmahan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang isang kasunduan upang gawing isang tourist site ang Chernobyl matapos itong magdulot ng negatibong impresyon sa bansa.

Taong 1986 nang sumabog ang isang reactor sa Chernobyl nuclear power station at nagkalat ng radioactive dust sa Europe na ikinamatay ng 31 katao habang nasa 600,000 katao ang na-expose sa radiation.

Kasabay nito ay pinangunahan ni Zelenskiy ang pagselyo sa sumabog na reactor gamit ang itinayong $2.5B na confinement structure upang harangan ang pagkalat ng nasa 200 tonelada ng highly radioactive material sa lugar.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *