CHED, nagsasagawa ng inspeksyon sa mga sports training facility ng mga paaralan na kalahok sa NCAA

CHED, nagsasagawa ng inspeksyon sa mga sports training facility ng mga paaralan na kalahok sa NCAA

NAGSASAGAWA ng inspeksyon ang Commission on Higher Education (CHED) sa mga sports training facility ng mga paaaralan na kalahok sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) dahil sa posibleng pagbabalik ng laro.

Bukod pa rito, tinitignan na rin ngayon ng CHED ang bubble concept upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, student-athletes, at mga coach ngayong pandemya.

Samantala, tinatanggap naman ng mga paaralan ang development na ito kahit na mananatili lamang sa loob ng bubble ang mga magsasanay.

Sa kabila nito, sinabi ni ng mga coach na ito ay mahirap ngunit ang mahalaga ay maprotektahan ang mga atleta.

Ayon naman kay CHED Executive Director Cinderella Jaro, susundin nila ang mga bagong direktiba mula sa gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *