tinuldukan
Sports

Charlotte Hornets, tinuldukan na ang kanilang 5-Game losing streak sa NBA

TINAPOS na ng Charlotte Hornets ang kanilang tila pangungulelat sa NBA matapos mawakasan ang kanilang 5-game losing streak.

Ito ay matapos ang kanilang matagumpay na pagkapanalo sa naging match nila Detroit Pistons.

Nagtapos ang tunggalian ng team sa score na 87-76 pabor sa Hornets.

Nanguna naman para sa panalo ng Charlotte si Miles Bridges na may 18 points habang nagdadgag si Malik Monk ng 16 points.

Ito naman na ang ikasampung sunod na pagkatalo ng Pistons sa Charlotte simula noong Oktubre ng 2017

Sa ngayon mayroong record standing na 13 win – 36 loss na ang Hornets.

Ceres-Negros FC, pasisimulan ang kanilang kampanya sa AFC Cup

MULING susubok ang Ceres-Negros FC na makasungkit ng kampeonato sa bagong kumpetisyon.

Pasisimulan ngayong araw ng Ceres-Negros ang kanilang kampanya sa AFC Cup.

Nakatakda naman nilang makaharap sa opener game ang team Cambodia side Svay Rieng FC.

Magsisimula ang match ng dalawang koponan mamayang alas-siyete ng gabi sa Rizal Memorial Stadium.

Samantala, kumpiyansa naman si Coach Risto Vidakovic dahil balik na sa normal na kundsiyon ang lahat ng player at naniniwala itong ang AFC Cup ay nakalaan talaga para sa kanila.

Matatandaang nabigo ang Ceres-Negros FC na makakauha ng spot sa AFC Champions League matapos silang padapain ng Tokyo FC.

 

SMNI NEWS 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *