sa 18th Congress
National

Cha-Cha para sa 18th Congress, napapanahon na –Romualdez

NAPAPANAHON ng isulong at maipatupad sa 18th Congress ang Charter Change o Cha-Cha tungong pederalismo na isa sa mga pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nagdaang 2016 presidential elections.

Ayon kay Leyte Rep- Elect Martin Romualdez, isa sa mga kandidato sa pagka speaker ngayong 18th Congress, mainam na maisulong ang pederalismo dahil magbubukas ito ng mga bagong oportunidad, susi sa pangmatagalang kapayapaan at pagkakaroon ng maunlad at masaganang pamumuhay sa lahat ng rehiyon sa buong bansa.

Hinihimok naman ni Romualdez ang mga national leaders sa susunod na Kongreso na gawing prayoridad ang pagsusulong ng pederalismo bilang pagsuporta sa inisyatibo ni Pangulong Duterte para sa mabilis na paglago ng ekonomiya.

Matatandaan na naipasa sa Kamara ang Resolution of Both Houses No. 15 o ang House version ng draft Federal Constitution nitong Disyembre ng 2018 matapos makakuha ng 224 na boto.

Dagdag pa ni Romualdez na susuportahan niya ang mga hakbang na gagawin sa susunod na Kongreso kabilang na ang reporma sa konstitusyon para mapanatili ang economic growth ng bansa.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *