CEO Angkas
Business

CEO ng kumpanyang Angkas, ipinadedeklarang “persona non grata”

IPINADEDEKLARA ni Senador Koko Pimentel bilang “persona non grata” sa bansa ang Singaporean businesswoman na CEO ng motorcycle-hailing company na Angkas.

Sa Senate Resolution ni Pimentel, hinimok nito ang Senado na imbestigahan si Angkas CEO Angeline Tham at ideklara itong persona non grata matapos hikayatin nito ang mga rider ng Angkas na magsagawa ng “indignation rally” na dahilan para maparalisa ang trapiko.

Ayon kay Pimentel, ang ginawa ni Tham ay pagpapakita ng kawalan ng respeto sa batas ng Pilipinas, iresponsable at pagiging arogante.

Nilinaw naman ng senador na ang kanyang resolusyon ay nakatutok sa foreign owner ng Angkas at hindi maapektuhan dito ang kumpanya.

Muli rin itinanggi ni Pimentel ang pagkakasangkot sa isa pang player ng motorcycle pilot run na Joyride kasabay ng pagsasabing hindi niya personal na kilala ang may-ari nito na si Neil Sherwin Yu.

Matatandaang Setyembre nang nakaraang taon ng inendorso ni Pimentel sa Department of Transportation ang aplikasyon ng Joyride sa initial pilot test program.

Angkas, ikinatuwa ang desisyon ng DOTr-TWG

Ikinatuwa ni George Royeca, Regulatory and Public Affairs Head ng Angkas, ang desisyon ng Technical Working Group ng DOTr.

Sinabi ni Royeca na excited na sila sa gagawing pilot test sa susunod na linggo, at handa silang makipagtulungan sa gobyerno.

Ayon kay Royeca, umaasa ang kanilang grupo na wala nang madi-displace sa kanilang mga riders.

Sa ngayon, hangad umano nila na magtagumpay ang pag-aaral upang magabayan ang mga mambabatas sa pagbubuo ng batas para sa mga motorcycle-taxis.

Samantala, kinumpirma naman ng DOTR-TWG na bukas ang gobyerno sa ideya na mapalawig pa sa orihinal na petsa ang isinasagawang pilot testing.

Nakatakda sanang magtapos ang pag-aaral sa Marso 23, 2019.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *