Cebu, walang balak magpatupad ng lockdown kahit nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19

Cebu, walang balak magpatupad ng lockdown kahit nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19

WALANG balak magpapatupad ng lockdown ang probinsya ng Cebu, kahit pa nakapagtala na ng unang kaso sa COVID-19 ang lalawigan.

Ito ang napagdisisyunan ng mga top officials ng cebu sa isiginawang pagpupulong kahapon kaugnay pa rin sa lumalalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Cebu Governor Gwen Garcia, sapat na ang kanilang ginawagang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit sa probinsya.

Kung magpapatupad anya ng lockdown ang lalawigan, ayon kay Garcia siguradong apektado ang ekonomiya ng probinsya.
Maapetukhan din ang pagpasok ng mga produkto at suplay na galing sa mga lungsod at bayan na sakop ng lalawigan.

Kasama na rin na maapektuhan kung ipapatupad ang lockdown ang pag-uwi ng mga trabahante sa kanilang tahanan lalo na kung nakatira ang mga ito sa labas ng Metro Cebu.

Matatandaang nagpapatupad na ang lalawigan ng boarder control sa lahat ng pantalan at airport upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa probinsya.

Istriktong ipapatupad na rin ang one meter social distancing policy sa lahat ng mga publikong sasakyan lalawigan.

Patuloy namang nanawagan si Garcia sa mga sugbuanon na manatili nalang sa mga bahay, ugaliing gawin ang maayos nga personal hygien at manatiling kalmado kahit pa nagpapatuloy ang banta ng COVID-19 sa bansa.

Samantanla, nakatakdang magbigay ng libreng bigas ang lungsod ng Cebu sa mga residenting apektado sa ipanatupad na community quarantine sa lungsod.

SMNI NEWS

6 thoughts on “Cebu, walang balak magpatupad ng lockdown kahit nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19

  1. Very good site you have here but I was wanting to know if you knew of any message boards that cover the same topics discussed in this article? I’d really like to be a part of community where I can get opinions from other experienced people that share the same interest. If you have any suggestions, please let me know. Appreciate it!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *