Cebu Pacific, kanselado ang lahat ng flights papunta at paalis ng Cebu

Cebu Pacific, kanselado ang lahat ng flights papunta at paalis ng Cebu

MATAPOS ideklara ng Metro Cebu ang community quarantine, hindi na muna lilipad ang Cebu Pacific papunta at paalis ng buong isla.

Ito ay bilang pakikiisa sa hakbang ng lokal na pamahalaan laban sa COVID-19.

Kaugnay nito, maaaring i rebook, i-refund o i-diposito ng mga apektadong pasahero ang kanilang ticket.

Ang desisyon ito ng Cebu Pacific ay kasunod na rin ng utos ni Gov. Gwendolyn Garcia na pagbabawal ng mga flights palabas at papasok ng Metro Cebu upang maiwasan pa ang pagkalat o pagdami ng kaso ng COVID-19 sa buong probinsya ng Cebu.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *