Cebu, nanawagan sa national government ng maraming supply ng bakuna

Cebu, nanawagan sa national government ng maraming supply ng bakuna

NANAWAGAN si Cebu City Vice Mayor at ngayo’y Acting Mayor Mike Rama sa mga nasasakupan nito na maging disiplinado.

Sa panayam ng SMNI News, ito ay para hindi na maulit pa ang naranasan nila noong nakaraang taon na naging epicenter sila ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Sa ngayon, ipinanawagan rin ni Rama sa national government na nangangailangan sila ng mas maraming supply ng bakuna dahil hanggang 700, 000 na indibidwal ang target nilang mabakunahan at 200, 000 palang ang naturukan nito.

Binigyang-diin ni Rama na ang pagbabakuna umano ang susi para maging malaya muli ang mga tao kung kaya’t sana damihan ang ibibigay na supply ng COVID-19 vaccines sa Cebu.

Kung marami din aniya ang nababakunahan, posible na ding mag co-exist sa COVID-19 ang mga publiko.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *