napiling torch bearer
Sports

Cebu City Mayor Edgardo Labella, napiling torch bearer sa SEA Games ceremonial torch relay

NAPILI si Cebu City Mayor Edgardo Labella bilang isa sa mga torch bearer sa gaganaping ceremonial torch relay bilang bahagi ng 30th Southeast Asian Games sa November 16.

Sinabi ni Labella na makakasama niya sa naturang event ang nasa 2,500 na participants sa kahabaan ng South Road Properties sa lungsod ng Cebu.

Makikiisa rin sa takbuhan ang mga police officers, mga estudyante, mga empleyado ng pamahalaan at marami pang iba.

Ayon kay Labella, gagawin nya ang pagbitbit ng torch lalo na’t sumali na ito dati sa isang marathon.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *