CORONAVIRUSRegional

Cebu City, bagong COVID-19 epicenter ng bansa

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government o DILG Sec. Eduardo Año, nagiging COVID-19 epicenter na ang Cebu City sa bansa.

 

Kung ikukumpara sa Metro Manila, may kabuuang 356 ang naidagdag na nagpositibo sa sakit pero binuo naman ito ng 17 LGUs.

 

Ayon pa sa mga eksperto, may posibilidad na aabot sa 20,000 ang magpositibo sa Cebu City sa July 31.

 

Sa ngayon, nananatili sa Enhanced Community Quarantine ang lungsod dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

 

Show Cause Order vs brgy. officials sa Cebu City

 

Samantala, pinagpapaliwanag ng DILG ang mga barangay official na may kinalaman sa Sinulog Street Dance at procession sa COVID-19 hotspot sa Cebu City sa bisa ng inisyu nitong Show Cause Order.

 

Kasabay nito, ipinag-utos din ni DILG Secretary Eduardo Año sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), na mag imbestiga at kasuhan ang mga organizer ng event.

 

Binigyang diin ni Año na hindi nila kokunsentihin ang ano mang paglabag sa quarantine protocols at lahat ng responsable dito ay pananagutin.

 

Base re report, daan-daang tao ang lumabas ng kalye sa Sitio Alumnos, Barangay Basak San Nicolas, noong Sabado, at nakiisa sa prosisyon at Sinulog Street Dance.

 

Sa kabila umano na ipinagbabawal ang mass gathering, bigo umano ang mga otoridad na pigilan ito.

 

Ang Barangay Basak San Nicolas ay isa sa labindalawang barangay sa Cebu City, na inilagay sa lockdown dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close