Metro

CCTV footage sa Quiapo twin blast nire-review na ng PNP

Hawak na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang CCTV footage sa nangyaring pagsabog sa Quiapo, Maynila.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Police Director Oscar Albayalde, patuloy ang ginagawang review sa footages ng mga imbestigador.
Inaalam din ng PNP kung may kinalaman sa trabaho o relihiyon ni Atty. Nasser Abinal ang motibo na siyang target sa ipinadalang package.
Kinukonsidera rin ng PNP na biktima ang delivery boy na nagdala ng package.
Sa ngayon ay naka-lock down ang Norzagaray Street at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok at paglabas ng mga sasakyan sa lugar samantalang patuloy ang imbestigasyon.
Ayon kay Albayalde, may mga persons of interest nang tinukoy ang Manila Police District (MPD) subalit subject for investigation pa rin ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *