NBA Eastern
Sports

Cavs, hindi pa nakatikim ng panalo sa NBA Eastern Conference Finals

Dalawa na ang panalo ng Boston Celtics sa nagpapatuloy na NBA Eastern Conference Finals series kontra Cleveland Cavaliers.

Pinataob ng Celtics ang Cavaliers sa Game 2 ng best-of-seven final series sa score na 107-94 sa pangunguna ni Jaylen Brown na kumamada ng 23 points.

Nagdagdag pa sa tagumpay ng Boston ang ibinuhos na 18 points ni Terry Rozier at nag-ambag ng 15 points si Al Horford.

Hindi naman sapat ang ginawang 42 points ni Lebron James at 22 points ni Kevin Love para talunin ang Celtics.

Magsasagupang muli ang dalawang koponan sa Game 3 sa homecourt ng Cleveland.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *