Catriona Gray Academy, hindi muna tatanggap ng bagong applicants para sa Nas Academy

Catriona Gray Academy, hindi muna tatanggap ng bagong applicants para sa Nas Academy

HINDI muna tatanggap ng mga bagong aplikante para sa Nas Academy ang Catriona Gray Academy.

Ito’y hangga’t hindi pa nareresolba ang isyu kaugnay sa Whang-Od Academy.

Ayon sa anunsyo ng Cornerstone Entertainment na talent manager ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, napagkasunduan ng beauty queen at ng Nas Academy na ihinto muna ang pagtanggap ng mga bagong aplikante.

Gayunman, patuloy pa rin na imo-monitor ng Cornerstone ang naturang kontrobersya.

Una na ring nag-anunsyo ang Nas Academy na pansamantala muna nitong ititigil ang operasyon sa Pilipinas kasunod ng kontrobersiya sa Whang-Od Academy.

Nagsimula ang isyu sa Whang-Od Academy noong nakaraang linggo matapos ihayag sa social media ng apo ni Whang-Od na hindi aniya alam ng kanyang lola ang kontrata ng Nas Academy.

Isa si Catriona sa maraming Pilipinong personalidad na naging guro ng Nas Academy.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *