Castriciones, pormal nang nagpaalam bilang kalihim ng DAR

Castriciones, pormal nang nagpaalam bilang kalihim ng DAR

OPISYAL nang nagpaalam ang dating kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR) na si Attorney John Castriciones matapos itong maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) bilang senatorial aspirant sa 2022 elections.

Personal na pinasalamatan ni Castriciones ang kanyang mga naging tauhan dahil sa suporta sa kanyang limang taong pagiging kalihim kamakailan.

Kampante ang dating kalihim na isa ng matunog na government agency ang DAR ngayon dahil sa lahat ng mga pinagtagumpayan nito, kabilang na ang pagtulong sa mga magsasaka o tinaguriang agrarian reform beneficiaries.

Pinangunahan ni Castriciones ang pagbibigay ng mga disenteng pabahay sa mga magsasaka sa pamamagitan ng proyketo nito na “Balai Housing Program”.

Kasama ng DAR sa pagtupad ng naturang programa ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) at ang mga lokal na pamahalaan.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 100 bahay ang itinatayo sa Umingan, Pangasinan.

Nakatakdang ipamigay ang mga ito sa mga benepisyaryo bago magtapos ang Oktubre ng taong ito.

Bukod dito, may 184 na bahay na ang handa ng tirhan sa Disyembre.

Radikal na binawasan ng DAR ang bilang ng mga hindi nalutas at nakabinbing mga kaso sa pamamagitan ng kampanyang “Zero Backlog”.

Sa 134, 870 kaso ng agrarian law, 127,008 o 94% ang naresolba dito, habang nalutas din ang 98% ng mga kaso cancellation at adjudication.

Inilunsad din ni Castriciones ang proyektong ‘Buhay sa Gulay’ kung saan nagsasama-sama ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno upang magbahagi ng tulong at magbigay ng mga oportunidad para makapagtanim ng sari-saring gulay ang mga magsasaka sa lugar.

Layon din ng programang ito na bigyan ang mga naninirahan sa Umingan ng karagdagang mapagkukunan ng kita na kasalukuyang iniimplementa na in sa maraming lungsod sa bansa.

Pinangunahan din ng dating kalihim ang “Serbisyong DAR to door” o ang personal na pamamahagi ng mga titulo ng lupa o CLOA sa mga bahay ng mga magsasaka mula noong hulyo 2020.

Isinagawa ito ng ahensya sa gitna ng pandemya bilang isang paraan ng pagpapalawak ng serbisyo ng DAR sa mga magsasaka at sa kanilang pamilya.

Matatandaang, October 8 nanumpa si Castriciones bilang isa sa mga kalahok sa pagka-senador sa darating May 2022 elections sa ilalim ng PDP-Laban partylist.

Noong nakaraang 2019 midterm elections, tatakbo sana ito para sa Senado ngunit sa kalaunan ay nagpasya siyang manatili bilang kalihim ng DAR.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *