Cast ng Harry Potter, muling magsasama-sama para sa 20th anniversary  TV retrospective

Cast ng Harry Potter, muling magsasama-sama para sa 20th anniversary  TV retrospective

MULING magsasama-sama ang cast ng “Harry Potter”  na sina Daniel Radcliffe, Emma Watson at Rupert Grint at iba pang miyembro ng Blockbuster film franchise para sa isang special 20th anniversary TV retrospective.

Inihayag ng Warner Bros. na si J.K. Rowling- ang orihinal na may-akda ng “Harry Potter” ay hindi makakasama sa personal appearance ng show.

Si Robbie Coltrane, na gumanap bilang Hagrid, Tom Felton bilang Draco Malfoy, Helena Bonham Carter bilang Bellatrix Lestrange, Gary Oldman bilang Sirius Black, director Chris Columbus at iba pang mga star ng walong pelikula ay makakasama sa set ang mga dating child actor para sa “Harry Potter 20th Anniversary: Return to Hogwarts” sa London kung saan unang ginawa ang pelikula.

Makikita sa retrospective ang pagbabalik ng cast sa orihinal na Hogwarts boarding school set na itinampok sa unang pelikulang “Harry Potter and The Sorcerer’s Stone” (“Philosopher’s Stone” sa U.K.) na inilabas noong November 2001.

Ipapalabas naman ang “Harry Potter 20th Anniversary: Return to Hogwarts” sa January 1 sa streaming platform na HBO Max- Warner Bros. ang HBO ay pag-aari ng AT&T Inc.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *