Carrie Lam
International

Carrie Lam, nagbabala sa Amerika na huwag itong makialam sa isyu ng bansa

MATAPOS hilingin ng mga raliyesta ang tulong ng Amerika, nagbabala si Prime Minister Carrie Lam sa bansang Amerika na huwag itong makialam sa isyung kinahaharap ng bansa.

Ayon kay Lam, hindi katanggap-tanggap para sa kanya ang pakiki-alam ng ibang bansa at ng Amerika sa semi-autonomous region ng China.

Bagama’t, pormal ng binawi ni Carrie Lam ang Extradition Bill, patuloy pa rin ang kilos protesta na isinasagawa ng mga residente ng Hong Kong.

Umabot na sa labign-apat na linggo ang nasabing kilos protesta.

Samantala, naniniwal naman si Lam, na hindi mareresolba ang isyu sa bayolenteng paraan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *