Carlos Yulo, ikatlo sa idinaos na 53rd all Japan Senior Masters Gymnastics Championships

Carlos Yulo, ikatlo sa idinaos na 53rd all Japan Senior Masters Gymnastics Championships

NAGTAPOS sa ikatlong puwesto ang world champion gymnast na si Carlos Yulo sa idinaos na vault event ng 53rd All Japan Senior Masters Gymnastics Championships.

Ito ang unang kompetisyon ni Yulo ngayong taon matapos itong makapag-uwi ng gintong medalya noong Southeast Asian Games 2019.

Ang 20-year-old Filipino gymnast ay nakapagtala ng 14.733 points at kasama nito sa ikatlong pwesto sa Kenzo Shrai habang pareho namang nakapagtala ng 14.900 points sina Wataru Kanigawa at Keisuke Asato para sa unang pwesto.

Matatandaan na huling nakipagtunggali si Yulo sa vault noong 2019 sa South East Asian Games kung saan nakapag-uwi ito ng silver medal.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *