Cardi B
Showbiz

Cardi B, hindi na muling sasailalim sa plastic surgery

TILA nadala na ang hip-hop superstar na si Cardi B sa plastic surgery.

Sa kaniyang social media, ipinahayag ng “Bodak Yellow” hit maker ang kaniyang pagsisisi at namanata na kailanman ay hinding-hindi na siya sasailalim muli sa plastic surgery.

Say ni Cardi, kinakailangan niyang gumugol ng panahon upang magka-recover ang kaniyang katawan sa naranasang problema dahil sa pagpaparetoke.

Sa nakalipas aniyang dalawang linggo ay nagwo-work out na lamang ito upang ma-achieve ang kaniyang inaasahang body figure.

Magugunitang napiliting mag-kansela ng ilang concerts si Cardi dahil sa naranasang medical problems matapos ang kaniyang liposuction at breast augmentation surgery.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *