Capas Mayor Reynaldo Catacutan, nagpositibo sa COVID-19

Capas Mayor Reynaldo Catacutan, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Mayor Reynaldo Catacutan.

Ayon sa pahayag ng Capas Information Office (CIO), lumabas ngayong araw Abril 6 ang reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test ng alkalde na nagpositibo ito sa nasabing sakit.

Nakuha ni Catacutan ang virus mula sa araw-araw na exposure sa kanyang mga nasasakupan ayon sa Municipal Health Office.

“With this, we sincerely ask the public to join us in our prayers for Mayor Catacutan’s healing and fast recovery in his isolation,” pahayag ng CIO.

Pansamantalang sarado muna ang Office of the Mayor para sa disinfection at pagsasailalim ng swab test sa lahat ng kawani na nakasalamuha ng opisyal.

Mananatili namang magbigay serbisyo ang Chief of Staff at Administrator’s Office sa skeletal force.

Nakaraang Linggo, nagpositibo rin sa COVID-19 si Concepcion Mayor Andy Lacson at naiulat na nasa maayos ang kondisyon habang nagpapagamot.

“We will continously monitor our operations while I seek medical treatment to my moderate symptoms,” ayon kay Lacson.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *