nagpositibo sa African Swine Fever
National

Canned goods na dala ng isang OFW, nagpositibo sa African Swine Fever

NAGPOSITIBO sa African Swine Fever ang mga de lata na dala-dala ng isang overseas Filipino worker na dumating sa Clark International Airport sa Clarkfield, Pampanga.

Sa Facebook post ni Agriculture Secretary Manny Piñol, sinabi nito na Marso 25 nang dumating sa bansa ang OFW mula Hong Kong.

Sa kabila nito, sinabi ni Piñol na nananatiling ASF-free ang Pilipinas.

Wala rin aniya napapaulat na swine fever infections sa mga baboy sa bansa.

Ayon kay Dr. Joy lagayan, tagapagsalita ng Bureau of Animal Industry (BAI), lahat ng nakukumpiskang canned goods ay isinusuri sa laboratory.

Nilinaw din ni Lagayan na hindi naman nakakahawa sa tao ang nasabing virus pero malaki ang magiging epekto nito sa swine industry ng bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *