Bianca Andreescu
Sports

Canadian player Bianca Andreescu, nagkampeon sa Rogers Cup

NATIKMAN ng young professional na si Bianca Andreescu ang tamis ng tagumpay sa katatapos lang na Rogers Cup.

Ito ay pagkaraang magkampeon ang Canadian player matapos talunin ang beteranong si Serena Williams.

Hindi naman humantong sa mainit na labanan sa court ang naging pagkapanalo ni Andreescu dahil nagwagi ito via default.

Hindi na kasi nakayanang magpatuloy pa ni Serena Williams sa finals dahil sa iniinda nitong back spasms.

Gayunman, masayang tinanggap ng mga current at former player ang naging pagkapanalo ng 19 year old player.

Kung titignan naman, ito na ang ikatlong championship title ni Bianca Andreescu ngayong taon at una sa kaniyang home soil.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *