kinilala
Showbiz

Canadian Rapper na si Drake, kinilala bilang “most streamed artists of the decade”

KINILALA bilang “most streamed artists of the decade” ng music streaming giant na Spotify ang rapper na si Drake.

Batay sa tala ng Spotify, humakot ng mahigit 28 billion streams si Drake sa nakalipas na sampung taon kung saan nanguna dito ang kaniyang pinaka sikat na awiting “One Dance” na nakakuha ng kabuuang 1.7 billion streams.

Itinanghal naman bilang “most streamed track of the decade” ang hit song ni Ed Sheeran na “Shape of You” na mayroon namang 2.3 billion streams.

Habang most stream artist of 2019 ang singer-songwriter na si post Malone na nakaalikom 6.5 billion streams.

Nasungkit naman ng awiting “Seniorita” nina Camila Cabello at Shawn Mendes ang “Most Stream Song”.

2006 nang inilungsad ang Spotify na mayroon na ngayong kabuuang 113 million subscribers world wide.

 

SMNI NEWS 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *