tinarget
International

Canadian Prime Minister, naniniwalang tinarget ng Iran ang bumagsak na Ukraine Airlines flight

NANINIWALA si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na tinarget ng Iran ang bumagsak na Ukraine Airlines flight sa nasabing bansa noong Miyerkules.

Ayon kay Trudeau ay nakatanggap siya ng impormasyon mula sa Canadian intelligence at iba pang sources na isang Iranian surface-to-air missile ang tumarget sa eroplano.

Dagdag ni Trudeau ay maaaring unintentional o hindi sinasadya ang pagtarget sa eroplano ng Iranian air defence matapos itong mapagkamalan na isang US warplane.

Ipinagluksa naman ng Canada ang pagkasawi ng 63 Canadians na nadamay sa plane crash matapos walang nakasurvive ni isa sa 176 na pasahero at crew na lulan ng eroplano.

Samantala, aprubado na ng US House ang War Powers Resolution na layuning limitahan ang kakayahan ni US Pres. Donald Trump na atakehin ang iran ng walang approval ng kongreso.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *