Cambodia, tuluyan nang binuksan sa mga fully vaccinated na turista

Cambodia, tuluyan nang binuksan sa mga fully vaccinated na turista

BINUKSAN na ang Cambodia para sa mga fully vaccinated na turista kung saan hindi na kinakailangan ng mga ito na sumailalim sa quarantine.

Ito ay kasunod ng matagumpay na pagbabakuna ng bansa.

Ang hakbang na ito ay ikinatuwa ng mga desperadong tourism operators maging mga manggagawa na nahihirapang kumita mula nang magkaroon pandemya.

Noong nakaraang buwan, inanunsyo na ng bansa ang plano nitong pagpapapasok sa mga fully vaccinated na turista subalit kinakailangan ng mga ito na sumailalim sa quarantine sa mga piling lugar.

Ngunit nagbago ang anunsyong ito matapos ang mabilis na pagbabakuna ng bansa kung saan naabot na nito ang vaccination rate na 88%.

Samantala, tinatayang nasa dalawang milyong katao na rin ang nakatanggap ng ikatlong dose ng bakuna.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *